MAKALIPAS ang tatlong taong pahinga dahil sa pandemya ng COVID-19, muling ipinagpatuloy ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas ang NavotaAs Sports Camp para sa mga atletang Navoteno.
Nasa 504 Navoteños, na edad 5 hanggang 20-taon gulang ang kwalipikado para sa libreng pagsasanay sa swimming, basketball, volleyball, football, flag football, athletics, arnis, judo, karate, taekwondo, and pencak silat.
“Develop your interest and enhance your skills in sports. You might be the next athlete to represent our country in international competitions,” sinabi ni Mayor John Rey Tiangco sa mga kalahok sa pagbubukas ng seremonya ng kampo noong Lunes.
Ibinahagi ni Tiangco ang kuwento ng swimmer na si Renz Kenneth Santos, na sumali sa NavotaAs Sports Camp noong bata pa siya at kalaunan ay naging NavotaAs sports scholar.
Si Santos ay lumaban para sa Pilipinas noong nakaraang 32nd Southeast Asian Games sa Cambodia.
“We hope Renz Kenneth will inspire you to continue improving your skills,” ani Tiangco.
“We also hope this sports camp will be enjoyable for you, help you build good character, and foster good relationships with your fellow youth,” dagdag niya.
Ang NavotaAs Sports Camp ay inilunsad noong 2011 bilang bahagi ng kampanya ng lungsod na hikayatin ang mga kabataang Navoteño sa palakasan at ilayo sila sa mga bisyo. Sinusuportahan din ng pamahalaang lungsod ang mga bagong atletang Navoteño sa pamamagitan ng NavotaAs Athletic Scholarship Program, na nagbibigay sa kanila ng cash allowance, libreng pagsasanay, at tulong kung sila ay sasali sa mga kumpetisyon sa palakasan.
More Stories
AYUDA HINDI NAGAGAMIT SA POLITIKA – DSWD CHIEF
VP SARA IPATUTUMBA MGA MARCOS (PSC nakaalerto)
INA, ANAK NA MAY KAPANSANAN PINAGPAPALO SA ULO NG DRUG ADDICT, PATAY