MUKHANG may gustong patunayan ang aktor na si Aga Mulach, willing daw siyang subukan na gumawa ng isang gay film. Pero tanggapin naman kaya ito ng kanyang mga tagahanga, dahil namulat na sila sa mga kilig moment ng mga eksena ng actor.
“Mahirap hong sumugal sa gay role na gustong gampanan ni Aga Muhlach, baka hindi makatulong sa kanyan at masira lang ang kanyang reputasyon lalo na sa kanyang showbiz career.
“Dahil gusto lang niyang patunayan iyong salitang ‘versatility,’ kaya gusto niyang gumawa ng ganoong klase ng role na tiyak na hindi makakatulong sa kanyang career as an actor. “Sa edad niyang 54, malamang na ang gampanan niyang gay role ay isang matanda na umibig sa isang batang lalaki. Mukhang easy lang sa kanya ang role na iyan, parang walang challenge at baka ikasira pa ng kanyang image,” taas-kilay na reaksyon ng aking source.
More Stories
BILANG NG SCAM COMPLAINTS NAGING TRIPLE NOONG 2024 – CICC
Wembanyama napili bilang isa sa mga reserve para sa kanyang unang NBA All-Star Game
EX-NCAA BASKETBALL PLAYER TINAMBANGAN PATAY