NAGTIPON ang mga lider ng pamahalaan,pambansang atleta,personalidad sa sektor negosyo at sports enthusiasts upang bigyang – ningning ang presentasyon sa publiko ng kauna-unahang Philippine Sports Expo( PSE) kamakalawa sa Crystal Pavilion ng Okada Manila sa Pasay City.
Pinangunahan ni Senate President Sen. Juan Miguel Zubiri ang prestihiyosong okasyon para sa Philippine sports kung saan ay nai- exhibit sa kani-kanilang booth ang mga makaysayang tagumpay ng bawat national sports Association( NSA) mula noon hanggang ngayon tulad ng gymnastics,athletics,basketball,karatedo,arnis,boxing,pati extreme sports equipments at de- kalidad na kagamitan sa flooring systems para sa sports facilities tulad ng FiberKinetics.
Tampok din sa mga personalidad na dumalo sa makasaysayang kaganapan sina Philippine Sports Commission Richard Bachmann at Commissioners na sina Fritz Gaston at Walter Torres,athletics long jump queen at PSA Hall of Famer Elma Muros- Posadas basketball legend ex- PBA superstar ( Comm.) Ramon Fernandez at sina dating national players Asi Taulava at Larry Fonacier na nag- anyaya sa publiko na suportahan ang nalalapit na hosting ng bansang FIBA Basketball World Cup at ang pagsabak ng ating pambansang koponang Gilas Pilipinas sa naturang Olympics of basketball sa mundo.
Pangunahing pigura naman sa business sports exhibitor ng kaganapang inorganisa ng CX Build si FiberKinetics executive Ian Navarroza at ang tinaguriang walking sports almanac na si Red Dumuk.
Sa pambungad seremonya ay nagpakitang-gilas at talento sa kanilang demo ang arnis national team ni Senator Zubiri at national gymnastics players ni GAP president Cynthia Carrion.
“Napaka-makabuluhang kaganapan ang ganitong presentasyon ng lahat ng may kinalaman at malasakit para sa Philippine sports kaya ating binabati si G. Michael Herrera ng PSE,” pahayag ni public servant/ sportsman SP Sen. Zubiri na siya ring pangulo ng Philippine Eskrima Kali Arnis Federation( PEKAF), ang most bemedalled NSA ng Team Philippines na sumabak nitong nakaraang Cambodia Southeast Asian Games ’23. (RON TOLENTINO)
More Stories
ZERO BUDGET DESERVE NI VP SARA – ESPIRITU
IMEE, VILLAR UMABOT NA SA P1-B ANG GASTOS SA POLITICAL ADS
KUWAITI NATIONAL UMAMIN SA PAGPATAY SA OFW