MATAGUMPAY na nairaos ang isang makabuluhang kaganapan sa larangan ng basketball sa ginanap kamakailang friendly exhibition game sa lalawigan ng Cavite.
Kapwa nagpakitang-gilas ang koponang PBA Moto Club na pinangungunahan nina dating star pros na sina Marc Pingris, Jay Jay Helterbrand at Rico Maeirhofer at ang tropang Cavite Ballers na seleksiyon mula sa ibat ibang panig ng lalawigan ng Cavite na pinamunuan ni Coach Paulo Belen.
“Tinagurian itong “Amazing Game for a Cause” at ang mga nalikom na pondo mula dito ay ibinahagi sa ibat- ibang beneficiaries katulad ng De La Salle Medical and Health Sciences Institute,” sambit ni Coach Belen, dating varsity player ng Philippine Christian University(PCU) Dolphins.
kasalukuyang athletic director ng DLSMHSI. Ang naturang kaganapan ay inorganisa ng Cavite Ballers League (CBL)sa pagsisikap ni Tutuy Perez (President ) katuwang ang iba pang kasapi ng asosasyon tulad nila Ryan Dalosa, Artisan Felix at Rico Rivera.
Ginanap ang friendly exhibition basketball game na napagwagian ng barkadahang ex-pros na pawang motorbike enthusiasts din sa dinagsa ng cage fans sa DLSMHSI Gym sa Lungsod ng Dasmariñas. Ayon pa kay Coach Belen- kakatalagang Director for Luzon ng bagong tatag na national sports association na Philippine Chinlone Association (PCAI), posibleng maulit ang naturang noble sports project sa kalagitnaan ng taong 2023.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA