January 23, 2025

MATAAS NA KALIBRE NG BARIL SA SIBILYAN IKINABABAHALA NG PTFOMS

Mariing tinutulan ng Presidential Task Force on Media Security na bigyan ng karapatan ang mga pribadong individual na magkaroonng matataas na kalibre ng baril.

Sa seminar workshop ng Justice Reporters Organization, inihayag ni PTFoMS Executive Director Undersecretary Paul Gutierrez, ang labis na pagkabahala sa desisyong ito ng Philippine National Police dahil tila hindi  kayang bantayan ng PNP ang komunidad.

Lilikha aniya ng takot ang desisyon ng PNP lalo na sa hanay ng media at pribadong indibiduwal.

Apela ni Gutierrez sa PNP, rebyuhin ang naging desisyon at isaalang-alang ang maaaring maging resulta  sa lipunan.

Hinalimbawa ni Gutierrez na sakaling magkaroon ng matinding krisis, gaya ng malawakang earthquake at makaranas ng  pagkagutom ang mga tao, maaari aniyang magamit ang matataas na kalibre ng armas sa pananakot o sa pinakamatinding pagkakataon ay pumatay.

Paano rin aniya na magkaroon ng traffic violation ang isang sibilyan na may mataas na kalibre ng armas at masita ng kagawad ng PNP, paano aniya kung ratratin na lamang kapagdaka ang pulis.

Ilan lamang aniya ito sa posibleng senaryo na dapat ikunsidera ng mga otoridad sa pagbibigay ng kalayaan sa mga pribadong sibilyan na magkaroon ng high powered guns.

Noong nakaraang linggo, inanunsiyo ng PNP Public Information na papayagang ng PNP na magkaroon ng malalakas na kalibre ng baril ang mga pribadong indibidwal upang mabantayan nila at maprutekssiyunan ang kanilang sarili.