Masalimuot ang pagkuha ng gaming license at hindi ito para sa mga criminal.
Ang pagpasok sa negosyo ng multi-billion dollar casino at gaming industry ay kadalasang nagbibigay ng malaking kita sa buwis at nakakatulong sa pagpapalakas ng lokal na ekonomiya ng bansang pinagtatayuan nito.
Saan mang bansa, merong mga mahigpit na regulasyon sa mga online at land-based casinos. Sa Pilipinas, ang mga casino at gaming operations ay binabantayan ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR). Sa Las Vegas, Nevada sa United States, namamahala sa mga casino at gaming operations ang Nevada Gaming Commission and State Gaming Control Board.
Para makakuha ng gaming license sa Nevada, kailangang nasa edad nang mula 21 anyos ang mga aplikante at wala silang criminal record. Dapat meron silang pagkukunan ng pondo para masustentuhan ang isang gaming operation. Kabilang sa mga rekisitos ang pagsagot sa application form na naglalahad ng detalyadong impormasyon hinggil sa pinaplano mong negosyo, ang iyong personal history, pinag-aralan, tirahan, civil lawsuit at criminal record, mga pinagtrabahuhan, licensing history at references. Kailangan din ang financial statements kasama ang sahod at tax information, mga personal na ari-arian, liabilities disclosure, bankruptcy filings, at anumang investments sa gaming entity na kaugnay ng aplikasyon.
Nakasaad sa U.S. Gaming and Regulatory Overview: Sumasaklaw sa pagmamay-ari at operasyon ng mga casino entertainment facilities ang mga malaganap na regulasyon sa ilalim ng mga batas, patakaran at panuntunan ng mga lugar na kinaroroonan ng operasyon ng casino. Maaaring buuin ang mga Gaming laws para pangalagaan at ma-“maximize” ang state at local revenues na nakukuha mula sa pagbubuwis at licensing fees na ipinapataw sa mga kalahok sa gaming industry at pag-ibayuhin ang paglago ng ekonomiya at turismo. Itinatatag ng mga Gaming laws ang mga panuntunan para matiyak na natutugunan ng mga kalahok sa gaming industry ang ilang standards of character at fitness o suitability.”
Dapat nahahadlangan ang mga hindi seryoso sa masalimuot na gaming license at kinakailangang malaking pondo. Si Pachinko mogul Kazuo Okada ay walang criminal record. Meron siyang pondo at kakayahan na magnegosyo sa casino.
Ang mabibigat na proseso ng pagkuha ng isang gaming license ay isa sa mga pinagdaanan ni Kazuo Okada para sa pagpapatayo ng Okada Manila brand. Pero ang kanyang legasya ngayon ay nanganganib na makulimbat sa kanya ng mga mangangamkam na dati niyang tinatawag na mga kaibigan at kaalyado.
Kataksilan ang nangingibabaw na tema sa salaysay ng casino mogul at captains ng industry. Mga nauuso sa TV at streaming series sa mga panahong ito pero si Kazuo Osaka ay buhay na pruweba na tinutularan ng sining ang buhay. Kahit isa siyang bilyunaryo at sa katayuan niya bilang casino mogul, si Okada ay isang tao at tiniis niya ang pilat ng mga pagkakanulo ng mga taong malapit sa kanya.
Ang Pagkakanulo at katrayduran ni Jun Fujimoto at mga Kasabwat
Sa sariling pananalita ni Kazuo Okada, malinaw niyang ikinuwentong muli ang istorya sa likod ng tinatawag niyang protégé – Ang pagtataksil ni Jun Fujimoto.
“I founded Universal Entertainment Corp. (UEC) 53 years ago, in 1969. Our corporate philosophy is to provide fun for everyone. We have been consistently engaged in the amusement business with our corporate philosophy of providing enjoyment to all,” paliwanag ni Kazuo Okada.
Idinagdag ni Kazuo Okada, “In 1980, UEC risked the company’s fortune to build a new factory and started development and sales of Pachislot machines. As a result, UEC went public in 1998, and in 2001, it posted sales of 200 billion yen and ordinary income of 73 billion yen, with a market capitalization of over 1 trillion yen. During this period, Japanese pachislot manufacturers, including UEC, were at their peak, and I foresaw the decline of the pachislot industry due to stricter regulations on gambling and a decrease in the playing population due to the declining birthrate and aging population. Therefore, I focused on the casino gaming business as an amusement business that could compete globally, and in 2002, I invested 50 billion yen in Wynn Resorts, Limited and became a partner of Wynn Resorts, Limited. Wynn Resorts Limited was subsequently listed on the NASDAQ market in the U.S. and opened a total of four casino resorts in Las Vegas, Macau, and in the United States.”
Nahinog na ang planong agawin ang emperyo ni Okada
Mula noong 2005 ay madalas bumisita si Kazuo Okada sa Pilipinas. Napamahal na sa kanya ang bansa at ang mga mamamayan nito. Nagpasya si Okada na magtatag ng isa sa pinakamalaking casino resort sa Asya para makaambag ang UEC sa paglago ng ekonomiya ng Pilipinas.
Sabi pa ni Okada, “I wanted to build a truly world-class facility for the Philippines, so I made no compromises and stayed in Manila to personally oversee its construction. It took five years of construction to complete Okada Manila so, I was away from Japan for a long periods of time and neglected to monitor the progress of one of my companies – UEC. I had not realized that Jun Fujimoto was overly ambitious, and plotted plans for a hostile takeover. After obtaining the casino license in 2008 and starting construction in 2012, Kazuo Okada was able to open Okada Manila in 2016 after a five-year construction period and a cost of 400 billion yen.”
Sa seremonya ng madamdaming pagbubukas sa Okada Manila, taos-pusong pinasalamatan ni Okada ang mga mamamayang Pilipino dahil sa kanilang tulong na ganap na mabuo ang malaking pasilidad. Taimtim na inialay ni Okada ang kanyang buhay sa ibayong pagpapaunlad sa Pilipinas.
Inggit at sobrang ambisyon ang nagbuyo sa Coup Plotters
Inilahad ni Kazuo Okada, “Jun Fujimoto was introduced to me by my friends at Nomura Securities. Fujimoto was previously with a company called SETA. I didn’t know much about him, but the company was in the red, suffering very much. But because this man was introduced by Nomura Securities, I welcomed him warmly and took the man in as a board member.”
“The same story goes for another co-coup plotter, Hajime Tokuda who then worked at Bank Sumitomo at the time. I took him in also as a Director,” dagdag ni Okada.
Ginunita pa ni Kazuo Okada, “Once both of these men came into the company, I felt generous enough to loan them money because I thought that they would need money being a board member.”
Pinahiram ni Okada ng ¥1Billion si Fujimoto at nagpautang siya ng ¥500Million kay Tokuda.”
Hanggang ngayon, hinaing ni Okada, “they haven’t repaid the loan yet; they are claiming that they don’t need to repay unless they quit the company.”
Ipinagtataka ni Kazuo Okada kung paanong siya pa ang pinagmukhang kriminal at hindi ang dalawang pinagkatiwalaan niyang mga tao na nangutang sa kanya ng napakalaking pera pero hindi nakapagbayad.
Kumapal ang pakana na maagaw kay Okada ang control sa UEC
Binalik-tanaw ni Okada ang trahedyang biglang lumitaw. Noong Mayo 2017 o kulang-kulang ng anim na buwan pagkaraang magbukas ang Okada Manila, unti-unting nalalantad ang masamang planong pag-agaw sa UEC, ang kumpanyang inalagaan ni Okada sa loob ng mahigit 50 taon.
“The coup plotters were led by Jun Fujimoto, a director whom I personally hired and made a Director at UEC,” pagsisiwalat ni Okada. “Fujimoto established an investigative committee with a lawyer whom he had acquired as a member, and had the committee conspire by threatening, coercing, or bribing the then General Manager of the UEC Administration Division and other executives and employees to prepare an investigative report that determined that Okada had obtained illicit profits from the company. The alleged ill-gotten gains from this report amounted to approximately 2 billion yen. Until the coup, I controlled approximately 70% of UEC’s stock. It is clear that there is no reason for me to commit a criminal act in order to obtain the 2 billion yen.”
Ayon kay Okada, plinano ni Fujimoto at ng mga kasamahan nito na ubusin at laspagin ang pera niya sa pamamagitan ng pagbabayad niya ng malalaking legal fees para labanan ang 10 demanda laban sa kanya sa Japan, Hong Kong, South Korea, U.S. at Pilipinas na ibinatay sa maling imbestigasyon ng komite.
Sinisiraan nina Fujimoto si Okada at hinarang nila ang pagbalik nito sa kumpanya sa pamamagitan ng pagsasampa ng mga kasong criminal laban dito sa iba’t-ibang lugar. Winasak nila ang reputasyon ni Okada bilang negosyante at pinalitaw na isa itong kriminal na hindi mapagkakatiwalaan.
Magkakasunod namang nabasura ang mga kasong kriminal na isinampa ni Fujimoto laban kay Okada dahil pinawalang-sala ito ng mga korte. Dahil dito, ipinaaresto ni Fumoto si Okada sa ICAC (Independent Commission Against Corruption) sa Hong Kong noong 2018.
Isa nang kabatiran na 800 milyong pondo ng UEC ang ginasta ni Fujimoto para sa Hong Kong media. Mabuti na lamang at ibinasura ng ICAC ang pagpapaaresto kay Okada.
Dagdag dito, hindi kukulangin sa 10 bilyong yen ang nagasta ni Fujimoto sa mga demanda at PR para siraan si Okada sa nagdaang limang taon at mapigilan ang pagbalik nito sa kumpanya.
Dahil sa pangambang baka bumisita si Okada sa Pilipinas at makipag-ugnayan nang masinsinan sa mga Pilipino, nagsampa si Fujimoto ng kasong kriminal laban sa una noong 2018 batay sa kasinungalingang iligal na nakinabang umano si Okada sa Okada Manila at nakapigil sa pagpunta nito sa Pilipinas.
Isiniwalat pa ni Okada na, noong Mayo 2012, nakipagsabwatan si Fujimoto sa isang Chinese broker na si Koichi Saotome para idispalko ang US$43.5 million mula sa pondo ng kumpanya. Natuklasan ito ni Okada noong 2015 at inatasan niya ang General Manager ng Administration Division noon at iba pa na imbestigahan ang krimen. Pero hindi nila naimbestigahan ang isyu dahil sa mga banta at perang alok sa kanila ni Fujimoto. Lubha pang abala si Okada sa pagpapatayo ng Okada Manla nang panahong iyon kaya ipinasya niyang maghintay muna hanggang sa mabuo ang integrated resort bago usigin at parusahan si Fujimoto.
Nabalitaan ni Fujimoto ang balak ni Okada. Ginawa ni Fujimoto ang lahat para siraan at mawala si Okada bago pa matuklasan ang kanyang anomalya para makontrol niya ang UEC. Bahagi ng planong pangangamkam ni Fujimoto ang pagmanipula at pagkulong sa anak ni Okada na si Tomohiro. Nahaharap si Jun Fujimoto sa isang shareholder lawsuit na kasalukuyang nakabimbin sa Tokyo High Court na humihingi ng US$43.5 million in damages para sa isang embezzlement case.
Isinaad ni Okada na, “It is a well-known fact that it was I -Kazuo Okada, who created UEC and built Okada Manila from scratch, and not Jun Fujimoto. Fujimoto’s envy and blind ambition pushed him to portray me as a criminal to justify his takeover of my companies. “
Umapela si Kazuo para sa Pag-unawa at Pakikipagtulungan
-Sa diwa ng kapaskuhan, nanawagan si Okada, “This holiday season, I sincerely thank the support and cooperation of many Filipinos who stand by me and believe in my righteousness in fighting Jun Fujimoto’s fraudulent and the false allegations against me. I am more and more determined to recover Okada Manila and UEC from the hands of criminals as soon as possible and contribute further to the development of the Philippine tourism. And so, I sincerely ask for your understanding and cooperation.”
More Stories
P761K droga, nasamsam sa Caloocan buy bust, 3 tiklo
Leader ng “Melor Robbery Gang” na wanted sa Valenzuela, timbog!
VP Sara tinatakasan P612.5-M confidential fund