
HINDI sukat akalain ni Alice Dixson na sa kanya pala mapupunta ang role na First Lady Imelda Marcos.
“Nang inalok nila sa akin ang ‘Loyalista: The Untold Story of Imelda Marcos,’ hindi ako talaga nag-doubt, pero ang tanong ko lang kayanin ko kaya?
“Sa tulong nang aming direktor na si Gabby Ramos, na guide naman niya kami ng mahusay. Pero dahil na rin sa script, nagkaroon ako ng idea kung paano ko binigyan ng justice itong role ko bilang Ms. Imelda Marcos.
“Iyong mga hirap, dusa at pakikipaglaban nila grabe, lalo na ng ma-exile sila mula Malacañang to Honolulu, Hawaii.
“Iyong mga pagsubok sa pamilya ng mga Marcos, mahirap kayanin iyon at iyong role ko ang magpapakita sa kanila kung paano ko nagampanan at maipakita sa mga moviegoers ako bilang Imelda Marcos,” pahayag ni Alice Dixon.
Magkakaroon ng Block Screening ang ‘Loyalista: The Untold Story of Imelda Papin, ‘ this coming December 16, 2023 at 5pm sa Resort World. Suportahan nating panoorin ito para malaman natin kung ano talaga ang sinapit ng mga Marcos, at ni Ms. Imelda Papin ng mag-exile sila after people power.
More Stories
“Pasig Deserves Better: Mas Mura, Mas Marami, Mas Makatao”
RCBC ATM Go, Magiging Bukas na sa Foreign Tourists: Mga Sari-Sari Store, Gagawing Mini-Bank sa Mga Tourist Spot
Pia Cayetano misyong palaganapin ang sport na padel sa buong bansa