
WALANG iba kundi si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na ang nagsalita sa Metro Manila Council na itigil ang pagpataw ng mas mataas na multa sa illegal parking.
“Para patuloy ang magandang serbisyo ng ating pamahalaan ay hindi ko pinayagan ang Joint Traffic Circular No. 01 ng Metro Manila Council tungkol sa probisyon na tataasan ang multa para sa mga illegal parking mula sa isang libong piso na hanggang apat na libong piso maiiwan na sa isang libong piso lamang,” ayon sa Pangulo. Sa kabila ng magandang intensiyon sa likod ng panukala, sinabi ng Pangulo na nagdesisyon siya na iprayoridad ang disiplina keysa sa multa.
“Ang Bagong Pilipino ay disiplinado. By focusing on individual responsibility, we can create long lasting solutions to our traffic challenge,” dagdag niya.
More Stories
Akbayan Nangunguna sa Party-List Race ng Halalan 2025
VICO SOTTO, LANDSIDE NA NAMAN SA PASIG (Mahigit 390K na boto, lamang na lamang sa mga katunggali)
GO, AQUINO, DELA ROSA NANGUNGUNA SA SENATORIAL RACE — PARTIAL RESULTS NG COMELEC