Tatlo sa bawat sampung Filipino ang nagsasabing lumala ang kalidad ng kanilang pamumuhay sa nakalipas na isang taon, ayon sa survey ng Social Weather Station.
Isinagawa ang survey simula sa June 26 hanggang 29, sa mga huling araw ng panunungkulan dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Lumalabas sa survey na 31 percent sa adult Filipino ang nagsabing lumala ang kanilang pamumuhay, 29 percent naman ang bumuti habang 39 percent ang hindi nagbago.
Tinawag sila ng survey firm, bilang “losers” “gainers” at ” unchanged”. Ang covid19 pandemic ang lubos na nakaapekto sa datos dahil nagsimulang bumagsak ang net gainer score nang magkaroon ng lockdowns.
More Stories
BILANG NG SCAM COMPLAINTS NAGING TRIPLE NOONG 2024 – CICC
Wembanyama napili bilang isa sa mga reserve para sa kanyang unang NBA All-Star Game
EX-NCAA BASKETBALL PLAYER TINAMBANGAN PATAY