“The more, mas better. Para malaki ang tsansa nating makakuha ng gold,” saad noon ni Sen. Manny Pacquiao.
“Para kasing tanim yan, mas marami, malaki ang tsansang may aanihin,” ayon sa eight-division world boxing champion.
Aniya, kailangan ng Pinot athletes ang panalangin at ibayong suporta. Sa gayun ay makamtan ang pinakamalaking mithiin sa kanilang career—ang Olympic gold.
Sinabi noon ni Pacquiao sa sambayanan ang pagkakaisa. Upang mas maraming Pinoy ang makapasok sa Olympics mabigyan ng pagkakataon na mapagwagihan ang pinakamimithing gintong medalya sa 2021 Tokyo Olympics.
“Kailangan nating magkaisa dahil kita naman sa mga atleta natin na talagang nagsisikap sila sa training para makuha ‘yung ultimate goal natin sa Olympics.”
“Kailangan natin silang suportahan para mas lalo silang ganahan,” pahayag ng Senador. ( SPORTS SPECIAL REPORT/ FB)
More Stories
Matinding hamon kina GM Laylo at Dableo ang Sta. Maria Town Fiesta Chess Challenge sa Peb. 2
Kampanya ng Filipinas sa 2025 AFC Women’s Futsal Asian Cup natapos na
2025 Sta. Maria Town Fiesta Chess Challenge susulong sa Peb. 2