January 23, 2025

Mas marami sa Mañanita! 12,000 lalahok sa SONAgKaisa rally sa UP Diliman

Iba’t ibang grupo ng mga militante ang nag-rally sa University of the Philippines (UP) Diliman upang magprotesta para sa gaganaping ikalimang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte. (Kuha ni ART TORRES)

AABOT sa 12,000 ang inaasahang lalahok sa SONAgKAISA rally sa University of the Philippines (UP) Diliman ngayong araw.

Ayon kay Dr. Aleli Bawagan, Vice Chancellor for Community Affairs ng UP Diliman, inaahasan na mas marami ang dadalo sa SONAgKAISA rally kung ikukumpara sa “Mañanita” noong Hunyo 12, na nasa 90 organisasyon mula sa iba’t ibang sector ang magsasama-sama para magprotesta.

Aniya kabilang sa mga grupong ito na lalahok sa protesta ay ang Bagong Alyansang Makabayan (BAYAN), Tindig Pilipinas, Movement Against Tyranny, Sanlakas.



“Malaking grupo po itong inaasahan natin, mas malaki kaysa sa June 12,” ayon kay Bawagan.

Dagdag pa ni Bawagan na sumang-ayon din ang mga protestante na sundin ang health protocols gaya ng social distancing sa gaganaping event.

Ayon sa opisyal ng UP, naglagay ng mga tauhan ang Quezon City police sa campus mula noong Linggo ng gabi, pero hindi sila pinapayagang pumasok sa nasabing unibersidad.

“Tinatanong nga po ng organizers kung bakit andoon sila. Well, ‘to practice security’ daw, ang sabi naman nila ay di sila manghaharang ng mga rallyista,” aniya. (ART TORRES)