IPINANUKALA ni Senador Lito Lapid na i-exempt sa 12 percent Value Added Tax at mas palawakin ang discount sa bill sa kuyente at tubig ng mga senior citizens.
Sa ilalim ng Senate Bill Number 2169 sinabi ni Lapid na ipatutupad ang limamg porsyentong diskwento ng mga senior citizen sa 150 Kilowatt Hours mula sa kasalukuyang 50 kilowatt hours sa konsumo sa kuryente.
Samantala, ipapatupad naman ang limang porsyentong diskwento sa konsumo sa tubig sa unang 50 cubic meters mula sa kasalukuyang 30 cubic meters.
Isinulong din ni Lapid na ilibre na sa 12 percent Value Added Tax ang konsumo sa tubig at kuryente kung nasa ilalim ng pangalan ng senior citizens ang bills.
Naniniwala si Lapid na malaking tulong na ito sa lolo’t lola na walang kita at kapos sa panggastos sa kanilang pagkain at mga gamot.
“Maraming senior citizens ang mahihirap at kapos na rin sila magbadyet ng kanilang pensyon kaya nararapat lang mapagkalooban ng konting ginhawa sa pamamagitan ng VAT exemption at mas pinalawak na 5 porsyentong diskwento sa konsumo sa tubig at kuryente,” pahayag ng Supremo ng Senado
Paraan na rin anya ito ng pagpapasalamat ng lipunan sa mga senior citizen na malaki ang naiambag sa ekonomiya ng bansa noong kabataan nila. “Anumang maibigay natin konting ayuda o suporta sa mga senior citizen ay malaking bagay na upang iparamdam sa kanila ang pagmamahal at malasakit natin sa naging ambag nila sa ating lipunan,” ayon kay Lapid.
More Stories
Para sa kabataan, Sexuality Education suportado ng DepEd
Cotabato City mayor, 4 iba pa, kinasuhan ng pandarambong
P10.5-M ALAHAS, GADGETS AT PERA NILIMAS NG MGA NAGPANGGAP NA GOV’T EMPLOYEE SA LAGUNA