MUKHANG magkakaroon nang mabigat na labanan pagdating sa kontrabida role ang dalawa. Sa ‘Kadenang Ginto,’ talagang sumikat itong si Andrea Brillantes. At lumutang talaga ang role niya bilang isang kontrabida na kinainisan ng marami. Hindi rin naman nagpahuli itong si Kyline Alcantara, dahil sa role niyang kontrabida sa ‘Kambal Katibal’ ay pumailanglang ito.
“Magkaibigan sina Kyline Alcantara at Andrea Brillantes, masaya nga sila dahil pareho silang sumikat sa pagiging kontrabida sa kanilang mga role na ginagampanan. At lalo pa silang pinagusapan dahil, pinagsasabong silang dalawa. Kaya naman ang kanilang mga fans ay, ayaw paawat sa pagtatanggol sa kanilang dalawa.
“Pero marami ang nagsasabi na, ‘di hamak na mas mahusay daw itong si Kyline dahil talagang umober ang pagiging kontrabida niya sa ‘Kambal Karibal.’ Pero hindi naman nagpatalo itong si Andrea, dahil nag ober din siya sa kontrabida role sa ‘Kadenang Ginto’ na naging daan para siya sumikat.” Patunay lamang iyan na mahusay sina Andrea at Kayline. Kung sino man sa kanilang dalawa sumikat ay mananatiling magkaibigan silang dalawa.
More Stories
Anong say mo, Gretchen? ATONG ANG AT SUNSHINE CRUZ MAY RELASYON
PH bet Nina Campos 1st Place sa Euro Pop Singing Contest
MONSOUR AT NANCY BINAY SUPORTADO NG MARAMING ARTISTA