November 3, 2024

MAS KAMPI PA ANG MAYORYA NG PINOY SA RUSSIA KAUGNAY SA UKRAINE CRISIS

Magandang araw sa inyo mga Ka- Sampaguita. Sana ay naasa mabuti kayong kalagayan. Nasa balag ngayon ng alanganin ang bansang Russia. Ito ay kaugnay sa pagkondina ng ilang bansa dahil sa pagkubkob nito sa Ukraine. Ika nga ng iba, ito na ba ang mitsa ng World War III? May epekto kaya talaga ito sa atin?

O nasobrahan lang sa sensationalized ng ilang taga-media? Samut saring balita at sabi-sabi ang ating natatanggap mula sa ilang media. Na ipinapasubo sa atin at sa ibang nasyon sa daigdig. Alin nga ba ang totoo at ano nga ba ang talagang pinagmulan? Kabi-kabilaang sanction ang ipinukol sa Russia.

Nagsimula ito dahil pinipigilan niyang maging kasapi ng NATO ang Ukraine. Kaya, binanatan siya ng U.S, E.U at mga bansang kabilang sa NATO. Isama pa ang United Nations.

Kaya naman, pinarurusahan nila ang nasabing nasyon ni Vladimir Putin. Pinaralisa nila ito sa pamamagitan ng iba’t-ibang aspekto. Kabilang ang economic sanctions, sports, money remittance at maging sa social media. Ang siste tuloy, nadi-discriminate na ang Russia.

Sa totoo lang, marami sa ating mga kababayan ang nakikisimpatiya rito. Kaysa sa pumanig sa mga nasyong bumabanat sa kanya. Mulat na ang mga Pilipino sa lupit ng diktatorya at kolonyalismo. Alam nila na hindi patas at bias ang taga-kanluran. Lalo na pagdating sa pamamahayag. Katunayan, marami ang kumikiling sa Russia sa social media. Na tiniterter pa ang presidente ng Ukraine na si Vlodomir Zelenzky dahil sa kapalpakan nito.

Na isinasakripsiyo ang kapakanan ng kanyang mga mamamayan. Nagtiwala sa akalang kaalyado kuno. Pero, iniwan sa ere. Bakit? Kasi, di naman miyembro pa ng NATO ang Ukraine. Ang tanging rason lang ng NATO ay gatasan ang nasyon dahil sagana pala ito sa natural resources.

Ngayon, sino nga ba ang tunay na bida rito at sino ang kontrabida? Ang Russia o ang mga bansang pilit siyang binubuyo upang pasiklabin ang digmaan? Huwag naman sana at maayos na ito ng dalawang naggigiriang bansa.