NAPAGKASUNDUAN ng Malabon City Task Force on the Management of Emerging Infectious Diseases (MCTF-MEID) na maaaring hulihin at kasuhan ang mga taong ayaw magpa-test, lalo na yung mga nakasama sa contact tracing at natukoy ng mga Barangay Health Emergency Response Teams (BHERTs).
Ayon kay City Administrator at MCTF-MEID Member Atty. Voltaire dela Cruz, dalawang batas ang gagamitin upang istriktong ipatupad ang mass testing. Isa ay “Disobedience to a Person in Authority” o pagsuway sa awtoridad sa ilalim ng Revised Penal Code.
Maaari ring kasuhan ang sinumang tatangging magpa-test ng “Non-cooperation” ayon sa Republic Act No. 11332 o “Mandatory Reporting of Notifiable Diseases and Health Events of Public Health Concern Act.”
Sa ilalim ng mga nasabing batas, hindi maaaring tumangging makipag-tulungan sa mga kinauukulan ang mga taong natukoy na apektado ng sakit.
Ang sinumang lalabag sa parehong batas ay maaaring magmulta o kaya ay ikulong, batay sa desisyon ng hukuman.
Aniya, hindi maaaring gamiting depensa ang “Data Privacy Act of 2012” upang tumangging magpa-test, dahil pinapayagan ng batas ang paggamit ng personal na impormasyon upang tugunan ang isang national emergency, sumunod sa mga pangangailangan ng kaayusan at kaligtasan, o tuparin ng awtoridad ang kanilang tungkulin.Isa ang mass testing sa mga natukoy na epektibong gawain upang masugpo ang pagkalat ng COVID-19. Kasama nito ang contact tracing, isolation, at treatment.
More Stories
Para sa kabataan, Sexuality Education suportado ng DepEd
Cotabato City mayor, 4 iba pa, kinasuhan ng pandarambong
P10.5-M ALAHAS, GADGETS AT PERA NILIMAS NG MGA NAGPANGGAP NA GOV’T EMPLOYEE SA LAGUNA