December 24, 2024

MARVIN AGUSTIN AT MARKKI STROEM, MAY RELASYON NGA BA?

WALA namang pelikulang ginagawa sina Marvin Agustin at Markki Stroem na silang dalawa ay magkasama. Iyang picture na iyan na aming inilabas, mukhang edited lang daw ang dating nito. Pero usap-usapan sa Showbiz na may itinatagong relasyon daw ang dalawa, kaya sabi nga ng mga Netizens ay wala na raw dapat pang itago.

“Wala pa pong pruweba na mag syota na nga sina marvin at Markki, ang pagkakaalam naming ay magkaibigan lang talaga ang dalawa. Pero kung diyan sila Masaya huwag na nilang itago, kasi sila rin naman ang magdurusa.

“Sa ngayon kasi ay tanggap na ang relasyong lalake sa lalake at babae sa tomboy, at marami na rin sa mga Pilipino ang open minded pagdating na sa ganyang relasyon. Kung sa career nga lang nila bilang mga artista ay tiyak na may malaking epekto ang kanilang relasyon.

“Marami sa mga Netizens ang natuwa at nagsabing bagay sina Markki at Martin, marami rin naman ang nanghinayang dahil, ang popogi nila ay hindi nila sukat akalain na gay ang dalawa. Kung sa bagay tanggap na ngayon ang ganyang relasyon, kaya kina Marvin at markki ay gogogo lang.” Masayang pahayag ng aking source.