November 10, 2024

MARUNONG MAGBILANG

Napadaan sina Pangulong Du30, Sen. Bong Go at ilang cabinet members sa isang Feeding Program sa mga bata.Habang kumakain para sa mga bata, natuwa ang Pangulo sa isang batang kalbo na 2 taong gulang. Kaya, pinalapit niya ito sa kanyag kinauupuan.

Pres. Du30:               Tinuod ba Bong na kabalo na ang bata na magbilang?

Sen. Go:                    That’s true, your highness… este Mr. President.

Pres. Du30:               Aber, subukan nga natin. Ah… kid, marunong ka na bang magbilang?

Bata:                          O-opo, President. (jolly).

Pres. Du30:               Ganun ba? Sige, Bigyan kita ng P500.00 kapag nabilang mo ang 1    hanggang 10.

Bata:                          1…2…3…4…5…6…7…8…9…10.

Pres. Du30:               Aba’y mahusay nga bata ine, Bong. Okay, Dadagdagan ko pa ng P500 kapag naituloy mo ang pagbilang.

Bata:                          Jack… Queen… King…

oOo

NAKASALUBONG

Nagkaroon ng Safari Trip sina Pangulong Duterte at ang kanyang gabinete sa Africa. Kasama sa trip si Sen. Bato. Sa kanilang paglalakad, may nakasalubong silang pusang itim.

Sen. Bato:                 Mr. President, huwag na po muna tayong tumuloy.

Pres. Du30:               Aba’y bakit?

Sen. Bato:                 Malas po ang itim na kuring. May sa panulay!

Pres. Du30:               Pamahiin lang ‘yan. Hala, tuloy tayo. Gusto kong makakita ng gifaffe saka elephant.           

Tumuloy sila sa paglalakad at may nakasalubong silang isang leon.

Sen. Bato:                 Mr. President, palagyo na ‘ta! Leon man na. Baka lapain tayo!

Pres. Du30:               Don’t be afraid guys! Ba’t kayo matatakot? ‘E si Simba ‘yan, yung Lion King. Mabait ‘yan!

Sen. Bato:                 Papaano n’yo po nasabi?

Pres. Du30:               Napanood ko sa DVD. Siya ‘yan. Kamukha niya ‘e. hala, go ahead!