TITIPUNIN ni bagong halal- muling Philippine Olympic Committee president Abraham “Bambol” Tolentino ang mga bagong hanay ng mga miyembro ng POC Executive Board sa Enero 9 pagkatapos ay isusunod ang unang General Assembly ng bagong taon na itinakda sa Enero 15.
“Work starts in earnest,” ani Tolentino, lalo pa’t ang 2025 ay tatampukan ng 33rd Southeast
Asian Games sa Disyembre kung saan ang host Thailand ay inaasahang gagawin ang lahat para maging overall champion.
“That will be a tough SEA Games, but I’m confident our athletes, our national sports associations will deliver in Thailand,”dagdag ni Tolentino.
Nasa isang dosena na international competitions ang nakahanay sa 2025 una rito ay ang Ninth Asian Winter Games na nakatakda sa Pebrero 7 hanggang 14 sa Harbin, China, ang na- postpone na Asian Indoor and Martial Arts Games na ihu-host ng Jeddah sa di pa determinadong petsa .
Sinabi ni Tolentino na inaasahan niyang nasa direksiyong pataas ang trajectory ng Philippine sports matapos ang makasaysayang hakot ng 2 gold medals ni Carlos Yulo sa gymnastics at 2 bronzes sa boxing nina Nesthy Petecio at Aira Villegas nitong nakaraang Paris 2024 Olympics.
“It was one historic year in 2024 that raised the bar that high, making the POC’s mission and vision even more challenging,”sambit ni Tolentino . “But it wasn’t impossible and my trust and confidence over the NSAs and my ‘Working Team’ could boost our athletes to achieve higher goals,”aniya pa.
Si Tolentino at ang kànyang entirong “Working Team” ay pawang runaway winners ng nakaraang buwan na POC elections—si Tolentino ng PhilCycling ay may kabuuang 45 na boto na mayorya o three-fourths ng 61 voting members ng organisasyon .
Ang “Working Team”ay sina first vice president Al Panlilio (basketball), second vice-president Richard Gomez (modern pentathlon), treasurer Dr. Raul Canlas (surfing), auditor Don Caringal (volleyball) at mga board members na sina Leonora Escollante (canoe-kayak-dragon boat), Ferdie Agustin (jiu-jitsu), Alvin Aguilar (wrestling), Alexander Sulit (judo) at Leah Gonzalez (fencing)—ay nakakakuha rin ng overwhelming votes of confidence mula sa NSAs.
Binigyang -diin ni Tolentino na ang template of success nina Yulo at Tokyo 2020 weightlifting gold medalist Hidilyn Diaz-Naranjo ang siyang padron upang manatiling nasa winning streak ang Philippine sports.
“The template’s been tried, tested and proven twice over,” aniya. “For this coming year, the ingredients are there, making the path to the Los Angeles Olympics in 2028 clearer and achievable.” (DANNY SIMON)
More Stories
DA NAGSAMPA NG KASO VS IMPORTER NG P20.8-M SMUGGLED NA SIBUYAS, CARROTS
Kampanya ng Filipinas sa 2025 AFC Women’s Futsal Asian Cup natapos na
OCCIDENTAL MINDORO INUGA NG 5.5 MAGNITUDE NA LINDOL