MATAPOS maghain ng kanyang kandidatura para Senador si sportsman/actor/public servant Monsour del Rosario ay nagsimula na ring sumipa sa rating ng mga aspirante sa Mataas na Kapulungan ito ayon sa mga lumalabas na survey para sa local at national na halalan sa Mayo 9, 2022.
Ikinagalak ng 2-termer Makati Councilor at naging Dist.1 Congressman Monsour ang mga paniguro sa kanya na siya’y ikakampanya ng mga martial arts enthusiasts at iba pang sports upang maseguro ang panalo sa kanyang karera pulitikal sa bansa partikular na ang mga kapamilya sa taekwondo sa buong kapuluan.
“From north to south ay nagpahayag na ng solid support ang ating mga kaisport pati na ang mga masang Pilipino nang malaman nilang ako ay tumatakbo sa pagka-Senador ng ating bansa sa susunod na taon kaya ngayon pa lang ay taus-puso na akong nagpapasalamat sa inyong lahat,” wika ng internationally-. bemelladed (SEAGames at Asiad)national taekwondo athlete at taekwondo Man of the year 2018 awardee sa Seoul, South Korea na kauna-unahang award na natanggap ng dayuhan at non – Korean taekwondo enthusiast).
Naging Chef deMission ng Team Pilipinas noong 2017 Asian Martial Arts Games (AIMAG) sa Turkmenistan.
Ayon pa kay Bacolod pride Del Rosario, sakto ang kanyang kredensiyal upang maging isang frontliner lawmaker sa Upper Chamber dahil malaki ang ambag ng kanyang karanasan mula serbisyong bayan sa lokal na aspeto-sa Konseho ng Makati at ang pagiging mambabatas na rin ng Unang Distrito ng Lungsod sa Mababang Kapulungan.
“No way but up, Optimistiko ang inyong lingkod na hindi masasayang ang tiwala ng sambayanan. I will not let you down para happy all.” ani pa Monsour.
Siya ay kumakarera sa timon ng Partido Reporma at ang kanyang pagiging isa sa mga young blood na aspirate ang tunay na kailangan sa lehislatura ng susunod na August Upper Chamber.
Winners’ circle…pasok!
Our distinguished gentleman from Makati and Bacolod..Honorable Manuel Monsour Tabib del Rosario… ABANGAN!
More Stories
MGA BAGYONG PASUGAL SA CAVITE
Mga leader ng bansa dapat mahiya sa mga Pilipino, walang tigil sa bangayan!
Hen. Antonio Luna, Dangal ng Lahing Pilipino