Idinagdag ang veteran na si Mark Yee sa line-up ng Manila Chooks-to-Go TM. Dahil dito, kasama sa sasabak ang MPBL Finals hero para sa FIBA 3X3 Lipik Challenger sa May 21 at 22 sa Croatia.
Nagsasanay na si Yee kasama ang team sa Lucena City sapol pa noong Huwebes. Ito ang preparasyon nila sa qualifying draw ng FIBA 3X3 level 10-tournament.
“Mark Yee is a good addition to our pool since he stretches the floor and has been known to be a good defender in the post,” saad ni Manila head trainer Aldin Ayo.
Naging bayani si Yee sa Game 4 ng MPBL Finals sa Subic bubble.
Kung saan tumulong siya sa Davao Occidental na masungkit ang title sa 3-1 series laban sa San Juan.
Naging Finals MVP siya na may average na 13.5 points, 10.25 rebounds, 2.75 assists. Gayundin ng 1.5 steals at 1.0 blocks.
Kasama rin sa Manila Pool sina Chico Lanete, Mac Tallo, Dennis Santos at Zach Huang.
More Stories
NM Nika sosyo sa 5 iba pang manlalaro sa Marienbad Open 2025 – C FIDE Open 23rd International Chess Festival
BACK -TO-BACĶ ÙAAP MEN’S BASEBALL TITLE PUNTIRYA NG NU BULLDOGS
Matinding hamon kina GM Laylo at Dableo ang Sta. Maria Town Fiesta Chess Challenge sa Peb. 2