
HINDI pala nawawalan ng pag-asa itong si Mark Bautista, na darating iyong time na may babaeng magmamahal at tatanggapin ang buo niyang kanyang pagkatao.
“Simple lang naman ang lagi kong hiling sa Dios, na bigyan niya ako ng isang babae na tanggap ang aking pagkatao at mamahalin ako ng lubusan.
“Basta ako open ako sa relationship with a woman! Gusto ko rin namang buo ng pamilya, hindi naman kasi habang buhay ay mananatili akong single.
“Isa pa masarap iyong may pamilya kang inuuwian pagtatapos mo sa trabaho, may anak at asawa kang bumubuo sa pagkatao. Basta alam koeibibigay iyan ng Dios sa akin, dahil lahat naman ng hiningi ko sa kanya ay binigay naman niya.” Pagtatapos pa ni Mark Bautista.
More Stories
CHARO AT DINGDONG, MAY HALIKAN SA BAGONG ROMCOM?
MATAPOS ANG NETFLIX, IBA PANG APP TATAAS NA RIN ANG PRESYO DAHIL SA VAT
“3 Pinoy Seaman Nakakulong sa Algeria, Mga Asawa nagpasaklolo kay PBBM