September 8, 2024

MARIS RACAL AT RICO BLANCO BREAK NA

KINUMPIRMA ni Maris Racal na walang third party na naganap sa hiwalayan nila ng Rivermaya vocalist na si Rico Blanco.

Inanunsiyo ni Racal ang breakup nila sa Star Magic Spotlight press conference  ngayong araw, nang tanungin na “Do you see yourself ending with Rico?”

Dito na bumigay at lumuha si Maris.

“I’m really scared. Ang dami kasing tanong about him and I’m tired of smiling and nodding. I’m so scared because if I announce it, then it’s real.” emosyonal na saad ni Maris.

Amin niya, fresh pa ang kanilang hiwalayan at nangyari lang ito ilang linggo pa lamang ang nakalilipas.

“It’s been few weeks, loneliest and emptiest few weeks I ever experienced in my life,” malungkot pang sabi ni Maris.

Wala rin raw siyang maiksing sagot sa kung ano ang naging dahilan ng kanilang paghihiwalay.

“Well.. wala akong short answer for it. Hindi ko rin siya malabas na isang statement lang kasi hindi ganoon kadali. Hindi ganoon kadali [kasi] sobrang complicated niya… ng situation. Rico and I, our universe was so beautiful. It was so full of love, laughter, and music, everything.