December 20, 2024

MARIKINA MAYOR TEODORO DISKWALIPIKADO – COMELEC

DISKWALIPIKADO si Mayor Marcy Teodoro para kumandidatong kongresista sa unang distrito ng Marikina City sa 2025 elections.

Ito’y matapos kanselahin ng Comelec ang certificate of candidacy (COC) ng naturang alkalde dahil umano sa “material misrepresentation na may kaugnayan sa lugar ng kanyang tinitirhan.

Kinatigan ng Comelec 1st Division ang pinagsama-samang petisyon na inihain laban sa kanya ng mamamayan kabilang ang kayang katunggali na si Senador Koko Pimentel.

Ayon sa Comelec, hindi katanggap-tanggap na paglipat niya ng tirahan  at hindi rin umano nakikita ang alkalde na naninirahan sa bagong address nito.

Kaya hindi umabot si Teodoro sa residency requirement na isang taon na iniiaatas ng Kontistusyon.

Nakasaad sa 1987 Constitution ang kandidato sa pagka-Kongresista dapat maging residente sa distrito na kanyang nais na pagsilbihan ng kahit na isang taon bago bago ang halalan.

Nagsumite si Teodoro ng dalawang legal na dokumento – isa noong July at ang isa noong Setyembre ngayong taon na ipinakikitang nagmamantine sjya ng kanyang legal na residente sa Barangay Tumana sa District 2 ng Marikina.

“Respondent’s argument that it was his legal counsel that drafted these pleadings and who made use of this temporary residence in said pleadings was flimsy at best,” mababasa sa desisyon.

“Respondent cannot just casually pass the blame to his counsel who, first and foremost, would not have indicated the said address in the pleadings were it not for his representation that he resides therein,”  dagdag pa nito.

Tinangka ni Mayor Teodoro na ma-establish na tumira siya sa Barangay San Roque sa unang distrito mula Abril sa pagitan ng pagsusumite ng aprobadong transfer ng voter records, mga resibo ng water supplier, at statement of account mula sa cable provider, subali’t ayon sa komisyon ang mga iyan at hindi kapani-paniwala kasama sa kanyang physical residence.

Iginiit ng poll body na si Teodoro nag-commit ng material misrepresentation, sapat upang kanselahin ang kanyang  COC sa ilalim ng Omnibus Election Code.

Dahil dito, ipinag-utos ng Comelec ang tuluyang pagkansela ng COC ni Teodoro para sa pagtakbo sa 2025 midterm elections.