HANDA na ang pamahalaang Lungsod ng Marikina at ang Department of Education o DepEd sa ika-63 Palarong Pambansa.
Ayon kay Marikina City Mayor Marcelino “Marc Teodoro, puspusan ang ginawang preparasyon ng pamahalaang lungsod upang matiyak na maayos ang Palarong Pambansa 2023.
Binanggit ng Alkalde na mula sa seguridad, tutuluyan ng mga atleta, coaches at mga kasama, grand parade, playing venues, lahat ng kailangan ay naihanda na ng Marikina LGU at ng DepEd.
Nagagalak ang Alkalde lalo na at sa kauna-unahang pagkakataon sa kasaysayan ay magho-host ang Marikina sa Palarong Pambansa.
Ipinagkatiwala aniya ng DepEd ang napakalaking responsibilidad na pangasiwaan ang prestihiyosong national sporting events na kanilang tinanggap.
Aminado si Mayor Teodoro na kahit limitado ang kapasidad ng lungsod ay mayroon naman aniyang kakayanan na mag-host ng Palaro.
Aniya ang Palarong Pambansa ay training ground para sa mga future leader na tutulong sa nation-building, hinahasa ang mga taglay nilang talento, itinatanim ang disiplina, sportsmanship at pakikipagkaibigan o camaraderie sa mga kabataan.
Naniniwala ang Alkalde na ang pagkakaroon ng malakas na kabataan ang magpapatatag sa bansa.
Ang Palarong Pambansa ay magsisimula sa Hulyo 26 at magtatapos sa Agosto 5, 2023.
More Stories
Mayor, konsehal at kawani, dinakip sa kasong rape
WANTED NA KUMUHA NG POLICE CLEARANCE ARESTADO SA MAYNILA
BILLARAN JUDGE SINIBAK NG SC