Arestado ng DSO ng Barangay Karuhatan sa Valenzuela City sa pamumuno nina Chairman Martell Solidad at Barangay executive officer (Ex-O) Ugto Ignacio si Alvin Plasido Calimag matapos mahulihan ng dalawang teabag ng marijuana sa Manggahan Street sa nabanggit na lugar.
Bilang tugon sa patuloy na kampanya ng pamahalaan kontra droga, lalo pang pinaigting ng Barangay Karuhatan, Valenzuela City ang kanilang pagbabantay laban sa mga drug pushers at buyers.
Kamakailan lamang, isang lalaking suspek sa paglalako ng marijuana ang nadakip ng Barangay Karuhatan sa ilalim ng pamumuno ni Chairman Martell Soledad at Barangay Security Force Ex-O Ugto Ignacio.
Hindi tumigil sa paghabol hanggang masukol nina BSO Manuel Apelado, Purok Leader Jaime Panao at mga tauhan ni Ex-O Ignacio ang suspek na si Alvin Plasido Calimag sa Manggahan St., Karuhatan Valenzuela.
Ayon kay Ex-O Ignacio, na siyang namuno sa pagkadakip ng suspek, dalawang teabag ng marijuana ang natuklasang dala ng suspek.
Ang suspek ay iniharap kay Karuhatan Brgy. Chairman Soledad at napag-alamang under probation sa pareho ring kaso.
Ayon kay Kap Soledad at Ex-O Ignacio na lalo pang pinaigting ang ginagawang pagbabantay ng Brgy. Karuhatan laban sa mga drug offenders, alinsunod na rin sa batas na pinaiiral ng lokal na pamahalaan ng Valenzuela.
Ayon sa kay Ignacio, walang puwang sa Valenzuela ang mga drug offenders lalo na sa ilalim ng pamamahala ni Mayor Rex Gatchalian.
Sasampahan ng kaukulang parusa na naaayon sa batas ang isinampa laban kay Calimag.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA