
Nagpapasalamat ang maybahay ni Senator Robin Padilla na si Mariel Rodriguez sa Department of Foreign Affairs para mag-host sa event na may temang “Understanding the Hijab.
Ginanap ang event sa main office ng DFA.
Ayon kay Mariel, ang event na gaya nito ay lilikha ng oportunidad para sa isang malusog na dayalog kaugnay sa Hijab.
Aniya, alam niya na lubos itong pinahahalagahan ng mga kapatid nating Muslim.
Karaniwang isinusuot ng mga kababaihang Muslim ang hijab bilang belo na nagtatakip ng kanilang buhok. Sa Islam, ito ay umaayon sa pamantayan ng kayumian at pagpapakumbaba samantalang ang mga nagsusuot nito ay tinatawag namang hijabis.
More Stories
PBBM SA MGA BOTANTE: BUMOTO NG TAPAT AT MAY MALASAKIT
DOE NAKA-HIGH ALERT PARA SA HALALAN 2025 (Upang masiguro ang tuloy-tuloy na suplay ng kuryente
COMELEC: EU OBSERVERS PINAYAGANG PUMASOK SA PRESINTO, PERO BAWAL HABANG MAY BOTOHAN