
TOTOO kayang nag-back out na si Marian Rivera sa serye niyang ‘My First Yaya’? Walang pang paliwanag kung bakit ito nagawa ng aktres kung saan magiging leading man niya sana si Gabby Concepcion. Maging ang kampo ni Marian at GMA-7, walang masabi.
Ang kumakalat tuloy, hindi niya feel ang nasabing project pero mukhang may mas malaking project ang GMA-7 para sa kanya. Sayang kung hindi niya gagawin ang ‘My First Yaya,’ dahil first team up nila ito ni Gabby Concepcion.
Statement na lamang nina Marian at GMA-7 ang hinihintay, pero mukhang hindi na talaga ito gagawin. Marami tuloy ang nagsasabi na, baka sinumpong na naman si Marian kaya ayaw na niyang gawin ang nasabing teleserye.
More Stories
RICKY DAVAO, PUMANAW NA SA EDAD NA 63
“PAALAM, SUPERSTAR! Nora Aunor, inilibing na sa Libingan ng mga Bayani”
Barni, anak ni Hajji Alejandro, nagluksa sa Social Media—“I’m gonna miss you forever, Daddywaps”