
Opisyal nang magiging ika-10 member si Margielyn Didal ng Team Pilipinas sa Tokyo Olympics. Mismong ang World Skate ang nagdeklara nito matapos tumuntong sa 17th si Didal sa world rankings.
Nakatipon ang 22-anyos na Pinay skater ng 31,250 ranking points. Ito’y nakuha niya sa eight of nine events na sinalihan.
Gumawa ng history ang Cebuana skater sa Asian region sa pagkapanalo noon ng gold medal. First-ever ito nang sumapa siya sa Asian Games at Southeast Asian Games.
.
Nasa kabuuang 20 athletes ang sasalang sa olympics. Ito ay kinabibilangan ng Brazilians trio na sina Pamela Rosa, Rayssa Leal at Letecia Bufoni.
Gayundin si American Alexis Sablone, Alana Smith at Mariah Duran. Rarapam rin ang pambato ng Japan na sina Aori Nishimura, Momiji Nishiya at Funa Nakayama.
More Stories
Pia Cayetano misyong palaganapin ang sport na padel sa buong bansa
Pinoy Inumerable, Kampeon sa 2025 Illinois Senior State Chess Tilt
MVP Smart PAI national tryouts.. ANG GARA NG PH QTS NI GARRA PARA SA MALAYSIA TILT