Nahirang si Tokyo Olympics hopeful Margielyn Didal bilang Women’s Asia Skater of the Year. Inungusan ni Didal ang pito pang karibal sa award.
Bukod dito, nauwi din ng Pinay sensational skater ang Style for Miles at Fastest Feet in the East sa inaugural 2020 Asia Skateboarding Awards.
Ang pagkakaloob kay Didal ng dalawang awards ay inanunsiyo ng The Skateboarding Social sa social media.
Tampok sa Fastest Feet ang fast skating at quick combination tricks. Habang ang Styles for Miles ay tungkol sa personal preference o style ng respective skateboarder.
Kasama rin si Didal sa shorlisted sa Creative Sole and Trick of the Year awards. Sa ngayon, ang 2019 SEA Games double gold medalist ay inaasahang mag-uuwi ng $300 dolyar.
Katumbas ito ng P14,544. Makakalikom din siya ng additional $1500, nasa P72,720.
More Stories
BACK -TO-BACĶ ÙAAP MEN’S BASEBALL TITLE PUNTIRYA NG NU BULLDOGS
Matinding hamon kina GM Laylo at Dableo ang Sta. Maria Town Fiesta Chess Challenge sa Peb. 2
Kampanya ng Filipinas sa 2025 AFC Women’s Futsal Asian Cup natapos na