PINAGHAHANDA ni Pangulong Bongbong Marcos ang Armed Forces of the Philippines (AFP) laban sa iba’t ibang mga bantang posibleng mangyari sa rehiyon.
Sa oath-taking ng mga newly-promoted AFP generals and flag officers sa Malacañang – sinabi ng Pangulo na dapat ay maging ‘ready’ ang ating kasundaluhan para sa iba’t ibang mga ’emerging issues’ na hahamon sa ating bansa.
Aniya, dapat daw ay masigurong ‘capable’ ang AFP para sa pagse-seguro at pagdepensa sa ating bansa mula sa iba’t ibang mga uri ng banta.
Bagamat ‘di derektang tinukoy ng Pangulo kung anu-anong mga banta ito – ginawa niya ang pahayag sa gitna ng tumitinding tensyon sa West Philippine Sea matapos ang pagbangga ng China sa resupply mission ng Pilipinas.
More Stories
1ST SOUTHEAST ASIA SUDOKWAN C’SHIP IHU-HÒST NG PILIPINAS
US MAGBIBIGAY NG $1-M PARA SA PEPITO VICTIMS
3 SOKOR FUGITIVES NASUKOL NG BI