November 5, 2024

MARCOS PIPIRMAHAN NA SIM REGISTRATION BILL

Nakatakda na umanong pirmahan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. para maging ganap na batas ang measure para i-require na irehistro ang lahat ng SIM card users sa buong bansa sa public telecommunications entities (PTEs).

Ayon sa Office of the Press Secretary (OPS), ang ceremonial signing ng SIM Card Registration Act ay isasagawa sa Malacañang,

Dadaluhan ito ng mga mambabatas at mga opisyal ng Presidential Legislative Liaison Office.

“President Marcos’ decision to approve the measure will significantly boost government initiatives against scams committed through text and online messages, which have become more prevalent this year,” ayon sa OPS.

Sa ilalim ng naturang measure, ang PTEs o direct sellers ng SIM cards ay imamandato ang lahat ng mga users na mag-prisinta ng valid identification document na may kasamang larawan.

Mayroon din direktiba sa mga telecommunications firms na i-disclose ang full name at address ng mga SIM Card users.

Ang naturang measure ay consolidated version ng mga panukalang batas na inaprubahan ng House of Representatives at Senado.

Nire-require dito na ang registration na pumunta sa PTE platforms bago ma-activate ang sim.

Kung maalala, noong buwan ng Abril ang vinito ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ang version ng bill dahil naniniwala itong ang proposed measure ay kinakailangan pa ng pag-aaral.