
Suspendido na ang pasok sa mga tanggapan ng gobyerno sa Miyerkules Santos pagdating ng alas-12:00 nang tanghali.
Habang pinapayagan naman na mag-work from home ang mga emoleyado mula 8AM hanggang 12PM.
Sa Memorandum Circular No. 81 na inilabas ng Palasyo, nakasaad na binibigyang pagkakataon ang mga kawani ng gobyerno na makabiyahe o makauwi sa kani-kanilang mga probinsya para sa obserbasyon ng Huwebes at Biyernes Santo.
Samantala, magpapatuloy naman ang operasyon ng mga sektor na may kinalaman sa health services, disaster preparedness, at iba pang kinakailangang serbisyo.
Ipinauubaya naman ng Palasyo sa mga pribadong sektor kung magsasagawa sila ng WFH arrangements at sususpendihin din ang pasok.
More Stories
Tolentino: 60 kph speed limit mahigpit na ipatupad
IMEE MAY BUWELTA KAY CHIZ: SIYA ANG AMBISYOSO
MGA MATATAAS NA OPISYAL NG PNP SA BARMM, PINASISIBAK!