Pinalawig pa ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. ang libreng sakay sa EDSA Corousel bus hanggang Disyembre.
Ayon sa abiso ng Department of Transportation (DOTr), inaprubahan ni Marcos ang rekomendasyon nito para sa pagpapatuloy ng Libreng Sakay Program para sa lahat ng pasahero ng EDSA Bus Carousel hanggang matapos ang taon.
“The move will ease the burden of rising living expenses on Filipino families and help them save money, especially with the return of face-to-face classes after more than two years,” ayon sa DOTr.
May libreng sakay din ang mga estudyante sa MRT-3, LRT 2 at PNR mula Agosto hanggang Nobyembre.
“Considering the welfare of students, however, whose learning outcomes have been disproportionately affected by the pandemic, the undersigned recommends implementing a Libreng Sakay for Students Program for the First Quarter of School Year 2022-2023, or from 22 August 2022 to 04 November 2022. The Libreng Sakay for students will be implemented in MRT-3, LRT-2, and PNR,” saad ni Transportation Secretary Jaime Bautista.
More Stories
AYUDA HINDI NAGAGAMIT SA POLITIKA – DSWD CHIEF
VP SARA IPATUTUMBA MGA MARCOS (PSC nakaalerto)
INA, ANAK NA MAY KAPANSANAN PINAGPAPALO SA ULO NG DRUG ADDICT, PATAY