Inatasan ng Department of Justice (DOJ) ang National Bureau of Investigation (NBI) na magsagawa ng imbestigasyon hinggil sa umano’y planong asasinasyon kay presidential aspirant Ferdinand R. Marcos Jr. na idinaan sa TikTok.
Sa mensahe ni Justice Secretary Menardo Guevarra sa mga reporter nitong Linggo, binanggit nitong inatasan din niya ang Office of Cybercrime ng DOJ na ipreserba ang account ng suspek.
“The NBI will give priority attention to any validated information pertaining to a threat to the personal security of any presidential aspirant,” ayon sa kalihim.
Ipinagtanggol naman ni Guevarra ang agaran nilang pagkilos sa bantang asasinasyon kay Marcos Jr. sa idinaaan pa sa social media.
“If a bomb joke is actionable, so is a threat of assassination, whether true or not,” katuwiran ni Guevarra.
Nauna rito ay binanggit ni Charito Zamora, officer-in-charge ng Office of Cybercrime, na nakatanggap lang siya ng text message hinggil sa sinasabing banta sa buhay ni Marcos Jr.
Sa video ng TikTok account @joiedevivre420, may isang nagkomento ng, “Nagmemeeting kami araw araw para paghandaang ipa aasasinate naming si BBM humanda kayo.”
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA