
UMAASA si presidential candidate at dating Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na susuportahan siya ni Pangulong Duterte.
Ka-tandem ni Marcos ang anak ng Pangulo na si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio.
“Well, kami ay hopeful. Kagaya nang sinabi rin naman I think ng nakararami kundi man lahat ng presidential candidate, it could be a big boost to get the endorsement of President Duterte,” ayon sa tagapagsalita ni Marcos Jr. na si Vic Rodriguez.
“Hindi kami inosente sa ganun. Gusto rin namin makuha ang endorsement ni Pangulong Duterte but hanggang nga sa ngayon e siguro nag-iisip pa ang ating Pangulo,” dagdag pa niya.
“Maghihintay kami at patuloy na aasa na makuha namin ang kaniyang matamis na oo,” ayon pa kay Rodriguez.
Umaasa rin si Sara na makuha ang suporta ng ama.
Nauna namang sinabi ni Duterte na wala itong susuportahang kandidato sa pagkapangulo.
More Stories
LIBU-LIBONG LAS PIÑEROS, NAGTIPON SA MITING DE AVANCE NG TEAM TROPANG VILLAR!
PASIG SCHOLARSHIP O VOTE-BUYING? Vico Sotto, inireklamo sa Comelec
PASIG CITY HALL PROJECT, SOBRANG MAHAL? Curlee Discaya: ‘Overpriced ang P9.6B, Dapat P2.7B lang’