ITINALAGA ni Ferdinand Marcos Jr. si Cristina Aldeguer – Roque bilang acting secretary ng Department of Trade and Industry (DTI).
Ang appointment ni Roque ay kasunod ng resignation ni dating Trade Sec. Alfredo Pascual epektibo ngayong araw na ito.
Ayon sa Presidential Communications Office (PCO), tinukoy ni Marcos ang dedikasyon at leadership sa micro, small, and medium enterprises (MSMEs) sector sa pagpili niya ng bagong hepe ng DTI.
Sinabi pa ng POC na mahalaga ang papel ng DTI sa paglago ng ekonomiya ng bansa, lalo na sa pagsuporta sa MSMEs.
Ayon sa PCO, nakita umano ni Marcos ang dedikasyon at leadership ni Roque sa MSME sector kaya siya naging excellent choice sa nasabing posisyon.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA