November 15, 2024

MARCOS: INFLATION, ‘DI MAKONTROL

Aminado si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na talamak at hindi makontrol ang inflation kahit nakakabuwelo na ang bansa mula sa epekto ng COVID pandemic.

Sa kanyang talumpati sa forum na inorganisa ng Joint Foreign Chambers of the Philippines sa Pasay City, sinabi ng Pangulo na naitala ang inflation sa 8 percent nitong Nobyembre.

Pero sinabi ng Presidente na ang ugat ng inflation ay mula sa labas ng bansa at hindi dahil sa internal factors.

“Although our growth rate looks healthy, our foreign exchange has become a little stronger relative to other currencies, our unemployment rate is quite reasonable . However, on the other side of the coin, there is still inflation that is running rampant and out of control,” anang Pangulo.

Sinabi ng Presidente na natukoy na ng kanyang economic team ang pangunahing ugat ng inflation na aniya ay imported inflation.

Dahil dito kailangan aniya ang import substitution upang maibaba ang nararasang mataas na inflation.

Dahil dito hinimok ng Pangulo ang mga negosyante na mamuhunan sa ekuasyon, skills training, digitalization at research and development upang mapahupa ang problema sa inflation.

“So to aid the transition that we are talking about, I invite you to invest in key areas such as education and skills training; digitalization of processes and research and development,” dagdag ng Pangulo.