Inaprubahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. nitong Lunes ang karagdagang importasyon ng asukal kasunod ng rekomendasyon ng Sugar Regulatory Administration (SRA).
“We agreed to additional importation of sugar to stabilize the prices. Maximum amount will be 150,000 MT but probably less,” pahayag ni Pangulong Marcos.
Sinabi ito ng Pangulo pagkatapos ng pulong kasama ang SRA sa pangunguna ni SRA Acting Administrator Pablo Luis Azcona at Board Member Ma. Mitzi Mangwang, na kumakatawan sa millers.
Dumalo rin sa pulong sina Executive Secretary Lucas Bersamin, Presidential Legal Counsel Juan Ponce Enrile at SRA Board Secretary Rodney Rubrica.
“The exact amount will be determined once we have determined the exact amount of supply, which will come at the end of this month,” ayon kay Marcos.
Idinagdag ng Pangulo na binubuksan ng gobyerno ang importasyon ng asukal sa lahat ng mga mangangalakal.
Ayon sa SRA forecast inventory, ang bansa ay magkakaroon ng “negative ending stock” na 552,835 MT sa pagtatapos ng Agosto 2023, sa pagtatapos ng milling season, at ang importasyon ng panibagong 100,000 MT hanggang 150,000 MT ng asukal ay kinakailangan upang maiwasan ang shortfall.
Sinabi ng SRA na “as of May 7, 2023,” ang bansa ay may sapat na suplay ng raw sugar na may “beginning stock” na 160,000 MT.
Gayunpaman, kakailanganin pa rin ng bansa na mag-angkat ng karagdagang 100,000 hanggang 150,000 MT ng asukal ngayong taon dahil ang inaasahang local production na 2.4MMT at ang 440,000 MT ay pinapayagang mag-angkat sa ilalim ng SO No. 6, s. 2022-2023 gayundin ang 64,050 MT sa ilalim ng Minimum Access Volume (MAV) mechanism ay hindi kayang ma-cover ang 3.1MMT demand.
Upang mapahusay ang productivity, sinabi ng Pangulo na inaprubahan din niya ang paglipat ng pagsisimula ng milling season mula Agosto hanggang Setyembre ngayong taon.
“That’s important for the corresponding increase in production by approximately 10 percent,” sinabi ni Marcos.
Ayon kay Azcona, ang pagbubukas ng milling season sa Setyembre ay mapapabuti ang raw sugar recovery dahil mami-minimize nito ang milling ng young canes.
More Stories
ZERO BUDGET DESERVE NI VP SARA – ESPIRITU
IMEE, VILLAR UMABOT NA SA P1-B ANG GASTOS SA POLITICAL ADS
KUWAITI NATIONAL UMAMIN SA PAGPATAY SA OFW