INIUTOS ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Department of Budget and Management na dagdagan ang Barangay Development Fund sa ilalim ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC).
Ayon kay National Security Council Assistant Director-General Jonathan Malaya, P7.5 milyon ang ibubuhos sa ng pamahalaan sa 864 barangay na nasa talaan ng mga bubuhusan ng salaping pantustos sa mga proyekto at programang para makabangon.
Sa ilalim ng 2024 General Appropriations Act, P2.5 milyon lang ang alokasyon inaprubahan ng Kongreso.
“The President was not happy with the original P2.5M per barangay in the 2024 General Appropriations Act (GAA) so he ordered the Department of Budget and Management to allocate the additional funds for this year. He said that P2.5M will hardly make an impact in terms of development so he ordered the augmentation,” wika ni Malaya sa isang kalatas.
Aniya, huhugutin ang dagdag alokasyon sa “unprogrammed funds” ng National Treasury.
Para sa susunod na taon, umaasa ang Pangulo na pagtitinayin ng Kongreso ang P10 milyong pondo sa kada barangay na una nang tinukoy ng NTF-ELCAC. “The President noted that the National Expenditure Program allocated P10M per barangay for the next batch of recipient barangays next year and he hopes Congress will ensure that the final version of the 2025 GAA reflects this amount,” dugtong ni Malaya.
More Stories
BAGONG TATAG NA TARLAC CHAPTER & GYM KAAGAPAY SI SIKARAN OFFICIAL MASTER CRISANTO
Bagong gym, binuksan sa Navotas
PAGPAPALIBAN SA BARMM ELECTIONS, PINAG-AARALAN NA – PBBM