Hinamon ni presidential candidate senator Manny Pacquiao ang kanyang katunggali na si Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ng one-on-one debate.
Sinabi ito ni Pacquiao sa kanyang pagbisita ngayong araw sa Cavite kung saan ay gusto ng pambansang kamao na sila na lamang ni Marcos ang mag diskurso pagdating sa kanilang mga plano para sa bansa.
Ayon kay Pacquiao ay pwedeng maging moderator ang Commission on Elections (COMELEC) para sa kanyang one-on-one kay Marcos.
Baka daw nahihiya lamang si Marcos kaya’t hindi ito dumadalo sa mga debate dahil sa madami silang kandidato na pumupunta doon.
Hindi rin daw hihingi ng advance questions si Pacquiao kung sakaling matuloy ang debate nila ni Marcos.
“Magdebate kaming dalawa lang,” ani Pacquiao “Tignan natin kung ano yung plataporma niya, plataporma ko,”
Sa ngayon ay hindi pa pinapansin ng kampo ni Marcos ang hamon ni Pacquiao.
Matatandaan na hindi dumadalo sa mga debate si Marcos na nangunguna ngayon sa mga survey.
Dahil dito ay ilang beses binatikos ng kampo ni Pacquiao si Marcos.
Sagot naman ng kampo ng dating senador, intindihin na lamang ng pambansang kamao ang sarili niyang kampanya.
“When one is applying for a job, he or she is expected to submit himself to an intensive interview and not to debate or be argumentative with the putative employer.” ani Atty. Vic Rodriguez, tagapagsalita ni Marcos.
“Sen. Pacquiao’s sudden bravery is misplaced. He was given a full six years mandate to showcase his debating prowess but he was too shy to take up those challenges made by some intellectual giants in the Senate.” dagdag pa niya.
“While he should just be minding his own campaign, I thank him nonetheless for expressing interest on how we conduct ours,” sabi pa niya.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA