December 24, 2024

Marcos gustong pahabain termino tulad sa tatay n’ya – Digong

Iginiit ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na ang itinutulak na Charter change ay para sa term extension ng kasalukuyang Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Kagaya lamang daw ito ng ama ni Marcos, na si dating pangulong Ferdinand Marcos Sr.

Ang una talagang gumalaw nito, iniba-iba niya, si Marcos.  Maniwala ka’t hindi, after a few decades, ang pangalawang taong gustong kumalkal ng Constitution natin, p*t*ng ina, Marcos ulit,” saad ni Duterte sa kanyang talumpati sa prayer rally ng kanyang spiritual adviser na si Apollo Quiboloy sa Liwasang Bonifacio.

“One term lang ang President, six years, walang reelection kagaya sa akin. ‘Yong Constitution na inabot under which Marcos was elected, gano’n din, one term, six years.  Ito excuses na lang ito kagaya nito ni Marcos noon sa tatay niya.  Ang punterya talaga nila, ‘yong term extension,” dagdag niya.