November 24, 2024

MARCOS, DUTERTE TINAWAG NA VIRUS NI JIM PAREDES


INIHALINTULAD
ni Original Pinoy Music (OPM) singer-songwriter Jim Paredes sa virus sina dating Presidential Ferdinand Marcos at kasalukuyang Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa kanyang Twitter account, nag-post ang miyembro ng APO Hiking Society ng larawan ng dalawang pangulo kung saan sinabi nito na si Marcos ang original virus habang si Duterte ang new variant.

Inupakan naman ng mga netizen ang post ni Paredes.

“Ikaw paredes at ang dilawan na tunay na virus ng bansang pinas wala kayong ginawa kundi sirain ito sa mata ng ibang bansa, na tunay kayong makasarili ayaw ninyong maging mabuti o maayos ang ating bansa, sana tamaan kayo ng karma o covid para matauhan kayo para kayong hindi pinoy siguro masmaganda kung lumayas na lang kayo dito dahil isa kayong surot o pulgas sa mata ng sambayanang pilipino.”

“Ikaw Paredes! ikaw na nga ang laos na, matanda na rin…eh ikaw pa ang unang gumagawa ng kabastusan kaya nababastos ka rin ng ibang tao.. ang mabuti mong gawin eh manahimik kna lang. magdasal at gumawa ng kabutihan dahil maikli na lng ang buhay mo.”

“Grabeee nman tung tao natu,linisin mo muna sarili mo,bago ka magsalita ng ganyan,mga Presidente po sila ng Republika ng Pilipinas,respeto nman!”

“C jim paredes ang Virus s kamanyakan kh8 kulay UBE na pnipilit prin nya.”

“Si jim paredes ang tunay na virus napaka bastos pa diba may scandal yan na video na nagkokojac! Yan 2.presidente na iyan ang tunay na pangulo ng bansa hindi gaya ng pangulo ni jim jackolite na nagkabahagi bahagi ang pilipino makamayaman hindi makabayan gaya niya bastos! Laos at walang galang sa kapwa tao! Bulok ang pinaglilingkoran ninyo noon tapos na ang panahon ninyong mga walang kuwentang tao…”

Kilala ang 67-anyos na veteran singer na masugid na taga-suporta ng Liberal Party at kritiko ng administrasyong Duterte.