Hindi pa rin aalis sa pwesto bilang kalihim ng Department of Agriculture (DA) si Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Sa ambush interview sa pangulo sa Malanday, Valenzuela, sinabi nito na pagtiyagaan na muna siya sa ahensiya hangga’t hindi pa naayos nang mabuti ang sistema.
Nasimulan niya na raw ayusin ang istruktura sa DA, ang problema ay naharap ang bansa sa krisis katulad ng mataas na presyo ng fertilizers at pagkain kasama rito ang problema sa fisheries at livestock.
Nais ng pangulo na maayos muna lahat ng ito para bago siya umalis bilang kalihim ay sigurado nang may maaasahang murang presyo ng suplay ng pagkain at mataas na produksyon ang mga magsasaka.
More Stories
ZERO BUDGET DESERVE NI VP SARA – ESPIRITU
IMEE, VILLAR UMABOT NA SA P1-B ANG GASTOS SA POLITICAL ADS
KUWAITI NATIONAL UMAMIN SA PAGPATAY SA OFW