Hindi dadalo sa presidential panel interview ng Commission on Elections (COMELEC) at Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP) si presidential candidate Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.
Ayon sa tagapagsalita nito na si Atty. Vic Rodriguez, nagdesisyon si Marcos na hindi dumalo sa dahil sa naka-schedule niyang campaign activities, ilang araw na lang bago ang eleksyon.
Gayunman, nagpapasalamat aniya si Marcos sa imbitasyon ng poll body.
Matatandaang hindi rin dumalo si Marcos sa mga naunang debate ng COMELEC noong March 19 at April 13. Sa ngayon, naghihintay pa ang COMELEC ng kumpirmasyon mula sa iba pang presidential at vice presidential candidates kung dadalo sila sa panel inteview na itinakda sa May 2 hanggang 6.
More Stories
AYUDA HINDI NAGAGAMIT SA POLITIKA – DSWD CHIEF
VP SARA IPATUTUMBA MGA MARCOS (PSC nakaalerto)
INA, ANAK NA MAY KAPANSANAN PINAGPAPALO SA ULO NG DRUG ADDICT, PATAY