December 25, 2024

MARCOS ADMIN BAGSAK VS PRESYO NG BILIHIN, MAPATAAS ANG SAHOD NG MGA MANGGAGAWA (Sa Pulse Asia Survey)

Ryan San Juan

PARA sa mga Filipino, bagsak ang administrasyong Marcos sa trabaho para kontrolin ang inflation o pagtaas ng presyo ng mga bilihin, at pagtaas ng suweldo ng mga manggagawa at para maibsan ang kahirapan.

Ito ang lumabas sa pinakahuling survey ng Pulse Asia na isinagawa noong Hunyo 17 hanggang 24.

Para sa karamihan ng mga Filipino, inflation (72%) ang  nangungunang dapat aksyonan ng pamahalaan.

Sumunod ang pagtaas ng sahod ng mga manggagawa sa 44% at pangatlo ang pagbawas sa kahirapan ng mga Pilipino sa 32%.

Pang-apat naman ang pagdagdag ng mas maraming trabaho sa 30% at panlima ang paglaban sa katiwalian at korapsyon sa gobyerno sa 22%. Pinakamaliit ang alalahanin nila sa pagbabago sa Konstitusyon sa 1% at paghahanda sa anumang uri ng terorismo sa 2%.