November 24, 2024

MARCOLETA, KINUYOG SA HINDI NATULOY NA ABS-CBN, TV5 DEAL

BUGBOG-SARADO samga netizens si SAGIP party-list Rep. Rodante Marcoleta matapos hindi matuloy ang posibleng merger sa pagitan ng ABS-CBN at TV5.

Nitong Septyembre 1 ay inanunsyo ng ABS-CBN na hindi na nila itutuloy ang pagbili ng 34.99% ng TV5 shares sa gitna ng posibleng imbestigasyon ng kongreso tungkol sa nasabing deal.

Isa si Marcoleta sa pumalag sa nasabing kasunduan sa pagitan ng ABS-CBN at TV5 kaya naman ang mambabatas ang unang sinisi ng mga fans ng Kapamilya Network.

Kung sino dito sa Twitter Ang marunong mangkulam Pakikulam na ni Tandang marcoleta,” sabi ni netizen @steven057451754.

Grabe tong marcoleta na to .saan ba nagmula yan .patawarin ka sa ginagawa mo,” wika ni @GraceManabatBa1.

Ngunit hindi naman lahat ay binatikos si Marcoleta at sinuportahan pa nga ito.

“Congratulations Cong. Marcoleta for a job well done! You almost singlehandedly battled and prevented the impending merger of the two most hated oligarchies in the country today, who both tried to circumvent the law. ABS-CBN is yet again back to its ‘miserable’ condition!” wika ni @samtinvi.

Wala pang opisyal na pahayag si Marcoleta tungkol sa nasabing isyu.

Bago inanunsyo ng ABS-CBN ang kanilang desisyon ay nag-post pa si Marcoleta tungkol sa merger ng dalawang istasyon.“Kahit ano pang termino ang gamitin mo dyan, sabihin mo pang partnership, joint venture, o investment agreement, kahit ano pang itawag mo sabi nga ni William Shakespeare, What’s in a name? That which we call a rose by any other name would smell as sweet. Kahit ano pang itawag mo sa rosas, yung amoy niya ay yun pa rin.” sabi ni Marcoleta.