PINUNA ng Gabriela ang “marangyang” birthday celebration ni dating First lady Imelda Marcos sa Malacañang habang maraming mga Filipino ang nagtitiis sa gutom at kahirapan dulot ng krisis.
Ayon sa statement, sinabi ng Gabriela na ang tahasang pagdidisplay ng marangyang pamumuhay ay isang malaking insulto sa lahat ng Filipino na pinagkaitan ng trabaho at kabuhayan ngunit sinusubukang itaguyod ang kanilang pamilya sa gitna ng walang habas na pagtaas ng presyo ng langis, bilihin at utility.
Hinamon din ng grupo ng kababaihan ang administrasyong Marcos na “gumawa ng tunay na paglilingkod sa mga tao, gaya ng ipinangako niya sa maraming Pilipino noong siya ay nangangampanya pa.” Isinusulong ng Gabriela ang pagtanggal ng excise taxes at Value Added Tax (VAT) sa mga produktong petrolyo at ang pagpapawalang-bisa sa Oil Deregulation Law.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA