Anim sa 10 Pinoy ang mas tiwala sa bakunang gawa ng US, ayon sa pollster na SWS, na malaking hamon para sa mga awtoridad na kumbisihin ang publiko laban sa kagustuhan sa brand o tatak.
Sa 1,200 respondents sa April 28 hanggang Mayo 2 Social Weather Stations poll, 63% ang nagsabing mas gusto nila ang bakuna na gawa sa US, kasunod ang China (19%), Japan (13%), Australia (13%), United Kingdom (13%), Canda (12%), Germany (8%), Korea (6%) at India (3%).
Pero kung tatak ang pag-uusapan, 39% naman ng respondents ang nagsabi mas gusto nila Sinovac COVID-19 vaccine ng China, habang 33% ang pinili ang American-brand Pfizer-BioNTech, ayon sa SWS. Pangatlo ang OxFord-AstraZeneca (22%) na sinundan ng Johnson & Johnson (10%), Moderna (7%), CureVac (3%), Sinopharm (3%), Novavax (3%), Sanofi-GSK (3%), at Gamaleya (2%).
Bago inilibas ang resulta ng survey inatasan ng Department of the Interior and Local Government ang local government units na huwag ipagbigay-alam sa mga tao ang tatak ng bakuna sa COVID-19 na makukuha nila hanggang sa kanilang pagdating sa immunization center, na sinasabing makapagpapahina sa brand preference o pagpili ng tatak.
Ang bagong polisya ay para maagapan ang mahabang pila sa mga vaccine site na namamahagi ng mabisang Pfizer COVID-19 vacine.
More Stories
SUV SA VIRAL VIDEO GUMAMIT NG PEKENG “7” PROTOCOL PLATE – TULFO
BAGYONG MARCE NAGBABANTA SA LUZON (Matapos ang hagupit nina Julian, Kristine at Leon)
PINOY PADDLERS DAPAT WALANG PUKNAT ANG PROGRAMA SA INTERNATONAL NA EKSENA – ESCOLLANTE