December 22, 2024

Maraming mga prente, antas ng mga problema itong Coronavirus

Patuloy sa pananalansa ang Coronavirus pandemic sa pamahalaan, mga institusyong pangnegosyo at organisasyong panlipunan, at mga indibidwal sa buong mundo.

Ang labis na nakatatakot sa lahat ay napagdami ng bilang ng namamatay dulot ng COVID-19 sa maraming bansa. Habang wala ng masyadong naitatalang namamatay sa China kung saan nag-umpisa ang lahat – maliban na lang sa ilang bansa – lalo na sa Italy at Iran – na ilang daan pa rin ang naitatalang namatay sa sakit.

Masyadong ring nababahala ang pamahalaan sa epekto ng pandemya sa ekonomiya. Ayon sa isang London-based think tank, Capital Economics, napansin nila na bumagal ang ekonomiya ng Pilipinas sa unang quarter, mas lalo pang lumala noong second quarter, gayundin noong third quarter, subalit nakarekober nitong fourth quarter.

Pero ang kalagayan ngayon ng mga tao ang mas mahalagang para sa atin na bigyan ng napakalaking atensiyon ng mga namumuno. Ang pangunahing layunin ng ordinaryong Filipino ay ang kanilang kaligtasan at kung papaano sila mabubuhay, hindi lamang sa Coronavirus kundi sa biglang pagkagambala ng kanilang pamumuhay dulot ng lockdown.

Tanggap na ng mga taga-Luzon ang kahalagahan ng quarantine o lockdown. Maging si Sen. Miguel Zubiri ay isa sa pinamataas na opisyal ay nahawaan ng lintek na sakit. Saad niya na nahawa siya mula sa isang bisita sa Senado at nang magsimulang sumama ang kanyang pakiramdam, siya at sina Senator Sherwin Gatchalian at Nancy Binay – ay agad nag-self quarantine sa loob ng kanilang kwarto sa Senado. Doon niya rin nalaman na siya ay positibo sa COVID-19.

Ang tatlong senador na ito ay maging halimbawa para sa ating lahat. Tulad ng nangyari kay Zubiri, nagpapatunay lamang ito na hindi biro itong Coronavirus sapagkat madali itong kumapit mula sa droplets ng hininga ng isang infected na tao kaya delikado ito para sa lahat.  Marami tayong napansin na mga lugar kung saan lapit-lapit ang mga tao, mayroon pa ring mga nagkukumpulan, kaya kinakailangan talaga na ituloy itong quarantine o lockdown sa Luzon upang maiwasan na magkahawaan ng nakamamatay na virus.

At hanggang sa ngayon ay patuloy pa ring nakikipaglaban sa virus itong ating mga doctor, nurse at iba pang health workers. Ang tangi lamang nating maitutulong sa ngayon bilang ordinaryong Filipino ay sumunod sa lockdown restriction upang hindi na makahanap ang virus ng kanilang bagong mabibiktima.

Alam natin na matindi ang naging epekto ng pandemya sa ekonomiya, pero pupuwede naman siguro na saka na muna ito intindihin. Sapat ng malaman natin mula sa London think-tank Capital Economics na nakarekober ang ekonomiya ng Pilipinas sa huling quarter ngayong taon.  Dahilan para tugunan ng ating mga opisyal ang pangangailangan ng mga tao, partikular na yung poorest of the poor sa lahat, na kailangang makaraos sa gitna ng napakahirap na sitwasyon.