INAASAHAN na ni Pangulong Rodrigo Duterte na maraming may katungkulan sa gobyerno ang mawawalan ng trabaho, mahaharap sa kaso, at makukulong matapos niyang ipag-utos ang malawakang imbestigasyon sa alegasyon ng korapsyon sa kanyang administrasyon.
Sa isang briefing sa typhoon response ng pamahalaan, binasa ni Duterte ang mga pangalan ng iba’t ibang opisyales ng pamahalaan na dawit sa korapsyon.
Kasama sa mga nasabing pangalan ng opisyal ay sina Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) executives Arndel de Jesus, Renato Limsiaco Jr., Shirley Domingo, gayundin si Dr. Roger Tong-An ng DOH Administration and Financing Team.
“Ang masakit sa taumbayan ‘yung alam nila na may pera na dapat para sa kanila, in this case, the assistance, tapos walang dumating at somebody goes out to embezzle or abscond with the money. ‘Yan ang masakit,” ayon kay Duterte.
Iniulat din ng Presidente na sa Bureau of Customs ay may 135 personnel ang isinailalim sa imbestigasyon, 45 ang sinampahan ng kasong administratibo, 20 ang tinanggal at apat ang sinuspinde.
Nasa 40 katao na sangkot sa “pastillas” scheme ang patuloy na kinikilala.
“The next round will be by December. Many will lose their jobs. Many will be separated from government. Many will face prosecution. Many will go to jail,” sambit ni Duterte.
“Sabi ko noon, ‘Kung mahilig ka sa pera, papakain ko talaga sayo.’ Tingnan ko… ‘Yan ang style ko. It is not nice. It is wrong. It could even be a criminal act, but just the same, I’ll do it.”
Gayunpaman, ilan sa mga opisyal ng ahensiya na lugmok sa alegasyon ng korapasyon ang nakaligtas tulad ni Health Secretary, Francisco Duque III na nahaharap sa isang resolusyon sa Senado na naglalayong patalsikin ito dahil sa “failure of leadership” sa gitna ng pandemya at inirerekomenda rin ng House committees na kasuhan siya dahil naman sa korapsyon sa PhilHealth.
Noong Lunes, muling nagpahayag ng tiwala si Duterte kay Duque.
Ang nahalata ko dito is the surveillance and the vigilance in keeping track of possible outbreaks. I like that… that’s why I cannot find any plausible or even a meager argument for your suspension,” aniya.
Buo rin ang tiwala ni Duterte kay Public Works Secretary Mark Villar, kahit na inakusahan niya ang Department of Public Works and Highways staff na sangkot sa mga ilegal na mga aktibidad.
“Secretary Villar is an honest man. Not only that he is honest, he has money. May pera siya. I do not question his integrity or loyalty. If not, nandito pa ba siya sa cabinet? Meaning to say that kailangan ko siya. I need his expertise, his talent,” saad niya.
Una nang pinag-utos ni Duterte sa Deparment of Justice na imbestigahan ang korapsyon sa buong pamahalaan.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA